Ipinamalas ng Calamba City Baseball Elementary Team ang kanilang husay matapos itala ang 4-2 panalo kontra Santa Rosa City sa isang gitgitang engkwentro kanina bahagi ng Regional Athletics Association Meet (RAAM) 2025 na ginaganap sa probinsya ng Rizal.

Nagsimula nang maaga ang mga manlalaro mula Calamba City matapos makapagtala ng isang run sa unang inning, ngunit mabilis naman itong nabawi ng koponan mula Santa Rosa City sa ikalawang inning, 1-1.

Naibalik ng Calamba Heroes na mga manlalaro mula Canlubang Elementary School ang kalamangan sa ikatlong inning upang panandaliang ungusan ang katunggali, 2-1. Mabilis namang nakahulagpos ang Santa Rosa City Team upang makapuntos panabla, 2-2.

Nanatiling dikit ang laban sa ikaapat at ikalimang inning kung saan parehong hindi nakapuntos ang dalawang koponan dahilan upang itakda ang isang extension inning.

Nagpakalawa ng dalawang runs ang mga manlalaro mula Canlubang ES upang ungusan ang kalaban sa iskor na 4-2. Sa huling pag-at-bat ng Santa Rosa, doble-kayod ang manlalarong Calambeรฑo upang mabakuran ang panalo.

Pinangunahan nina Sherwin John Atcheco, Marion Visaya, Zach Ruine Quirolgico, Kenjie Kianno Carreon, at Khieffer Edo ang laro, kasama ang iba pang manlalaro na nagbigay ng matibay na depensa at opensa.

Samantala, pinuri ng coaching staff ang ipinakitang husay at determinasyon ng koponan sa kabila ng mga hamon.

Nagpapasalamat sila sa pwersa ng Schools Division of Calamba City sa walang patid na suporta.

โ€œMarami pong challenges as part po ng coaches. Nagkasakit ang mga player but with the help of our division led by Sir Joel [EPS in-charge sa RAAM 2025] nagawan po ng paraan. Also, sa ating medical team, we are thankful to them. Hindi po nila kami pinabayaan,โ€ ani Coach Ruel Regis.

Nauna nang pinatunayan ng koponan ang galing ng Calambeรฑo laban sa Cabuyao City, 16-0, at San Pablo City, 12-1.

Bukas gaganapin ang quarterfinals upang kilalanin ang pinakamahusay sa kani-kanilang bracket.

๐—ก๐—ถ ๐— ๐—ฎ๐—ฟ๐˜ƒ๐—ถ๐—ป ๐—–. ๐—˜๐˜ƒ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฒ๐—น๐—ถ๐˜€๐˜๐—ฎ

Calamba Bayside IS

ย