Earthquake Drill in DepEd Calamba

               “Duck, Cover and Hold!” Ganito ang eksena ng mga kawani ng DepEd Calamba City sa isinagawang National Simultaneous Earthquake Drill (NSED).

                Hunyo 22, 2016, ganap na ika-9 n.u. sabay-sabay pinatunog ang sirena na siyang hudyat upang isagawa ang duck, cover and hold sa loob ng isang minuto. Pagkatapos nito, ang mga kawani ay nagtungo sa itinalagang evacuation area. Bahagi ng earthquake drill ay ang pagresponde sa mga sugatan, paglalapat ng first aid, pagsugpo ng sunog, pagsagip sa mga empleyado o sibilyang nakulong sa mga gusali o tanggapan, at relief operation.

                Malaki ang maitutulong ng paghahanda para kaligtasan lalo’t ang ilan sa mga mga barangay sa Lungsod ng Calamba ay malapit sa fault line. Kabilang dito ang Barangay Buntog, Mabato, at Mangumit. Kaya naman, sa pangunguna ng Tagapamanihala ng mga Paaralan, Dr. Eugenia R. Gorgon at pakikipag-ugnayan ng Social Mobilization Unit sa ilalim ni G. Ronal Manaig sa Lokal na Pamahalaan ng Calamba, ang lahat ng mga pampubliko maging pribadong paaralan ay nakipag-kaisa sa NSED. Tuloy-tuloy din ang pagbibigay ng impormasyon tungkol sa mahahalagang paalala kung may ambang panganib at mga dapat tandaan sa panahon ng sakuna tulad nga ng lindol, bagyo o pagbaha ay sunog.

                Sa gawaing ito, minsan pang napatunayan ang pagkakaisa at kahandaan ng DepEd Calamba City sa pagdating ng sakuna. “Kung laging alerto walang peligro” (Calamba City Disaster Risk Reduction Management)

    (Randy D. Punzalan, SEPS – P&R, DIO/Ronald L. Manaig, SEPS – SocMob)