
Pinangunahan ni SDS Merthel M. Evardome ang makasaysayang pagtataas ng watawat ng mga manlalaro sa pagbubukas ng 2024 City Meet sa Calamba ngayong Disyembre 5, 2024, sa LLC Auditorium, Calamba Elementary School.
ย
Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni SDS Evardome ang kahalagahan ng disiplina sa bawat laro. “Iisang bandila lamang ang ating irerepresenta, ang Calamba City. Ang tanong na lamang ay kung sino ang magwawagi,” aniya.
ย
Hinamon niya ang lahat ng kalahok na manlalaro na magbigay ng kanilang pinakamahusay na pagganap upang makamit ang target ng SDO Calamba Cityโna makarating ang kalahati sa Regional Meet at ang kalahati ng mga ito ay makasama sa Palarong Pambansa na gaganapin sa Ilocos Norte sa susunod na taon. “Hindi pa ako nakakarating doon,” biro pa niya, na ikinatuwa ng mga manlalaro at opisyal.
ย
Binigyang-diin din niya ang kahalagahan ng kaligtasan at patuloy na pagsasanay. “Panatilihin ang disiplina at kaligtasan ng mga bata, opisyal, at coaches. Ipagpatuloy ang mga practice hanggang sa masinsinang training para sa Regional Meet.”
ย
Pinasalamatan din niya ang suporta ng Lokal na Pamahalaan ng Calamba sa pangunguna ni Mayor Roseller ‘Ross’ H. Rizal at hinikayat ang mga manlalaro na magdala ng karangalan para sa SDO Calamba City at sa buong lungsod.
ย
Dumalo sa makulay na okasyon ang mga estudyanteng manlalaro, officials, coaches, trainers, at chaperones mula sa iba’t ibang paaralan ng lungsod.
ย
Sa kanyang pambungad na mensahe, mainit na tinanggap ni OIC-ASDS Nadine C. Celindro ang lahat ng kalahok. Pinayuhan niya ang mga manlalaro na mag-ingat at ipinamulat sa kanila ang tunay na layunin ng palaro, โhindi upang makipagtagisan para magkaroon ng kaaway, kundi upang magkaroon ng bagong kaibigan at mahasa ang inyong pagkatao.โ
ย
Si CID Chief Mariliza T. Espada naman ang nagpakilala sa bawat delegasyon, kung saan masiglang ipinamalas ng mga ito ang kani-kanilang yell bilang pagbubukas ng kompetisyon.
Pinangunahan ni Denz Gabriel Erasga ang panunumpa ng mga manlalaro, habang si EPS Joel I. Libaranda naman ang nanguna sa panunumpa ng mga opisyal, trainers, at coaches.
ย
Ang seremonya ng pagliyab ng sulo ay pinangunahan nina Loraine Audrey P. Batalla at Mark Jacob N. Villamar, mga gold medalists mula sa nakaraang palaro, na nagsilbing inspirasyon para sa mga bagong kalahok.
ย
Ang City Meet 2024 ay nananatiling simbolo ng pagkakaisa at dedikasyon ng mga kabataang Calambeรฑo sa larangan ng palakasan na may layong paigtingin ang sportsmanship, pagkakaisa, at pagkakaibigan.
ย
Ni Rocky A. Dela Cruz