
Dinomina ng Calamba City Baseball Team ang kanilang unang dalawang laban kontra Cavite City at San Pablo City upang sumulong sa ginaganap na Regional Athletic Association Meet (RAAM) 2025 sa probinsya ng Rizal.
ย
Ibinaon ng RAAM 2024 bronze podium-finisher team ang Cavite City sa kanilang sagupaan sa opening game ng serye kahapon sa iskor na 12-2. Samantala, sa pamamagitan ng nagliliyab na opensa, dinurog ng Calamba Heroes ang koponan mula San Pablo City kanina sa iskor na 13-2 dahilan upang itakda ang malinis na 2-0 win-loss record.
ย
Kumpiyansado ang Calamba City Baseball Team na binubuo ng mga mag-aaral mula Kapayapaan Integrated School (KIS) na mas ipapamalas pa nila ang kanilang husay sa mga susunod na mga laban upang umalagwa tungong podium.
ย
โWe are hanging in there… so that means the KIS baseball team has not reached its limits yet. Watch out as they give their best in the games. Kudos, KIS baseball team!โ ani KIS Principal Bernardita O. Salazar.
ย
๐ก๐ถ ๐ ๐ฎ๐ฟ๐๐ถ๐ป ๐. ๐๐๐ฎ๐ป๐ด๐ฒ๐น๐ถ๐๐๐ฎ
Calamba Bayside IS
