
ย
Magkasunod na naipanalo ng Elementary Baseball team ang elimination round kontra Batangas City at Cabuyao City, 17-3 at 16-1, sa San Miguel open field ngayong Marso 8-9.
ย
Umabot lamang sa 4 na innings ang banggaan kontra Cabuyao na nag-udyok sa committee na itigil na ang laro base sa 15-score gap rule. Ito ay kaugnay ng kanilang napag-kasunduan noong solidarity meeting.
ย
Ang bawat tandem ay binigyan ng 5 innings bago matapos ang laro depende sa laki ng lamang.
Naisagad naman sa limang ikot kontra Batangas City ang tunggalian.
ย
Naghahangad pa ang team Calamba ng isang panalo upang makapasok sa quarter finals kontra Carmona ngayong Marso 11.
ย
Ayon kay G. Ruel Regis, coach ng Calamba, pilit nilang pananatilihin ang momentum ng galaw ng kanyang pangkat para tuluyang ma-secure ang slot ng quarters.
ย
โNa -orient ko na sila. Sabi ko na walang babaguhin sa play natin. Saka nakita ko na rin ang galaw nila noong isang araw,โ banggit ng coach.
