
Muling nasungkit ni Loraine Audrey Batalla ng Canlubang Integrated School ang finals ng 400-meter hurdles ng Regional Athletic Association Meet (RAAM) 2026 na ginanap sa Batangas City Stadium ngayong Marso 8.
ย
Na-break din ng 16-anyos ang sariling record matapos magtala ng 1 .04 minuto kumpara sa 1.07 noong nakaraang taon.
ย
โUnexpected po kasi โyong performance ko ngayon siguro na rin constant training na ipinapagawa sa amin ni coach.โ
ย
Bumuka agad sa unang arangkada ang lamang ng beterana na umabot pa sa humigit-kumulang 3-metro matapos ang sagupaan sa track.
ย
Selyado na ang tiket para sa dalaga upang maukupa ang isang pwesto tungo sa Palarong Pambansa.
Dumakma pa sa huling segundo ang naghabulang Cavite province na sumalya sa ikalawang pwesto ganon din ang probinsya ng Rizal na sumabit sa ikatlo.
ย
Muling sasabak ang Grade 10 student sa Marso 10 para 400-meter dash.
