Isang mag-aaral mula sa Jose Rizal Memorial School ang nagbigay ng karangalan sa kanyang paaralan at dibisyon matapos tanghaling kampeon sa HISTO-POP โ€“ Kasaysayan ng Pilipinas Quiz sa 2025 Regional Festival of Talents (RFOT).
ย 
Si Jeddiah A. Borlagdan, mag-aaral sa Baitang 6, ay nagpakita ng pambihirang husay sa kasaysayan ng Pilipinas, pinatunayan ang kanyang dedikasyon at pagmamahal sa pag-aaral.
ย 
Sa kabila ng matinding kompetisyon laban sa iba pang mahuhusay na mag-aaral sa rehiyon, nagbunga ang kanyang pagsisikap at pagsasanay, na nagbigay-daan upang makuha niya ang kampeonato sa prestihiyosong patimpalak.
ย 
Ang kanyang tagumpay ay hindi lamang sumasalamin sa kanyang husay kundi itinatampok din ang dangal ng Jose Rizal Memorial School, na nagbibigay inspirasyon sa kapwa mag-aaral na pahalagahan at pagyamanin ang kasaysayan ng ating bansa.